Nakumpleto na ang oil recovery operations sa Naujan, Oriental Mindoro, matapos ang paglubog ng MT Princess Empress.
Ito ang inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos magsagawa ng inspection kahapon.
Batay sa ulat ng PCG, wala nang lamang langis ang walong tangke ng lumubog na oil tanker, maliban sa mga patak o tulo mula sa cargo piping line.
Ang final oil removal operation ng salvage company na Diving Support Vessel (DSV) Fire Opal ay sinaksihan ng PCG, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of Civil Defense (OCD), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Science and Technology (DOST) at Oriental Mindoro LGU.
Ang DSV Fire Opal ay kinontrata para higupin ang langis sa lumubog na oil tanker noong Pebrero 28, 2023
Sinimulan ang pagtanggal ng langis noong Mayo 29, 2023 at sa loob ng 19 na araw ay natapos na ang operasyon. | ulat ni Rey Ferrer