Nagpahayag ng commitment ang Pilipinas at Singapore sa pagsulong ng “Arrangement on the Assignment of a Team to the Regional Counter-Terrorism Information Facility in Singapore (CTIF)”.
Ito’y sa pag-uusap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at bagong Ambassador of Singapore to the Philippines, H.E. Constance See Sin Yuan.
Ayon kay Teodoro, ang “Arrangement” ay isang malaking hakbang sa pagpapalawak ng bilateral defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Sinabi naman ng Embahador na ang isa pang “Arrangement Concerning Education, Training Assistance and Support Activities on Human Assistance and Disaster Relief (HADR)”, na nilagdaan kamakailan, ay mas magpapalakas sa ugnayan ng sandatahang lakas ng Pilipinas at Singapore.
Kapwa din inihayag ng dalawang opisyal ang kanilang paninindigan sa pagtataguyod ng international law.
Nagpasalamat naman si Teodoro sa Singapore sa kanilang suporta at pamumuhunan sa bansa, partikular sa larangan ng cybersecurity at digitalization. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND