Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. distribusyon ng iba’t ibang government assistance, kabilang na ang livelihood at training support sa ilang residente at magsasaka sa Korondal City, South Cotabato.
Sa naging talumpati ng pangulo, sinabi nito na ang mga hakbang na ito ng pamahalaan ay patunay lamang na unti-unti nang lumalayo ang ekonomiya ng bansa, mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
“Ito pong ating ginagawa ngayon ay binibigyang-daan po ‘yung…dahan-dahan na tayong lumalayo, lumalabas sa ekonomiya ng pandemya. Ngunit ay mayroon pa rin sa atin, dito sa Pilipinas na medyo naiwanan. Kaya’t kailangan natin ituloy ang tulong na ibinibigay sa inyo,” —Pangulong Marcos.
Sila aniya sa pamahalaan, patuloy na aalalay sa mga Pilipino, upang masiguro na walang maiiwan, sa pag-unlad na ito.
“Kaya po kami nandito upang tiyakin na lahat ng inyong pangangailangan ay mabibigyan ng pansin at magagawan natin ng paraan…Napakahirap na ng buhay. Sana naman, makapagbigay man lang kami ng kahit konting ginhawa sa inyo…” —Pangulong Marcos.
Ilan lamang sa mga ipinamahagi ngayong araw ang family food packs para sa nasa 2, 000 benepisyaryo ng DSWD.
Habang ang DA, itinurn over rin ang iba’t ibang makinarya para sa mga magsasaka.
Kabilang dito ang combine harvesters, precision rice seeders, and walk-behind transplanters to several farmers’ cooperatives and farmers’ associations.
Ang DOLE, namahagi rin ng livelihood support sa ilalim ng Integrated Livelihood Program (DILP) na tinatayang nagkakahalaga ng higit Php13 million para sa higit 600 benepisyaryo.
Samantala, sa kick-off program naman ng Consolidated Rice Production and Mechanization program sa brgy. Liwanay, Banga, South Cotabato, ipinangako ng provincial governor ang pagpo-produce ng walong toneladang ani kada hektarya ng lupain, alinsunod sa Masagana Rice program ng administrasyon.
Kinilala ng pangulo ang efforts ng LGU ng South Cotabato sa pagsasakatuparan ng programang ito, na layong itaas ang ani ng mga magsasaka at ibaba ang production cost.
“Itong ganitong klaseng programa ay ito talaga ang aming iniisip na nako-consolidate ninyo lahat ng iba’t ibang function. Lahat nung mga gawain para sa paghanda, para sa pagtulong sa magsasaka, para sa pagpapababa ng presyo ng processing, at para mabigyan naman, mabalik sa ating mga magsasaka ang kikitain para sa pagpabili ng bigas,” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan