Kailangang patuloy na palakasin ang kapabilidad ng bansa sa paglaban sa scammers na gumagamit ng online platforms upang makapanloko ng publiko.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hindi lamang ang Pilipinas ang humaharap sa ganitong problema.
Kasabay aniya ng pagbabago ng panahon ay ang pag-usbong rin ng makabagong teknolohiya at pamamaraan na ginagamit sa panloloko, lalo na ngayong yumayabong pa ang paggamit ng artificial intelligence.
“It is not really an arms race every defense, or every capability that we develop to block, or to catch or nullify this kind of transactions of course they come up with new technology, they come up with new techniques, and so ganun lang talaga, that’s the only way that we can do, we just to continue to monitor very closely and do all that we can.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang pamahalaan aniya, kailangang ipagpatuloy ang mahigpit na pagbabantay sa usaping ito.
At ayon sa pangulo, malaking bagay sa labang ito ang SIM Card registration, kung saan inaasahan na ang pagkawala sa sistema ng libo – libong SIM card na ginagamit sa scams.
“The SIM Card registration I think was a big step, I think we are getting to the point where we have disposed of or taken out of the system many of the SIM cards that have not been registered because they have been used for illegal purposes and for these scams that we have been hearing about.” —Pangulong Marcos Jr.
Kailangan rin aniyang palakasin ang awareness ng publiko laban sa mga panlolokong ito.
Ang pahayag na ito ng pangulo ay kasunod na rin ng reklamo ng mga nabibiktima ng pangha-harass ng mga online lender at iba pang scammers. | ulat ni Racquel Bayan