Siniguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kahandaan ng mga local government unit (LGU) na nakakasakop sa bulkang Taal, Mayon, at Kanlaon, sa oras na kailanganing magpatupad ng paglilikas para sa mga residenteng posibleng maapektuhan, kung lumala ang aktibidad ng mga bulkan.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NDRRMC Deputy Spokesperson Diego Mariano na sa kasalukuyan, dahil wala pa sa mga bulkang ito ang mas mataas sa Alert Level 2 wala pang major movement na ipinatutupad ang pamahalaan.
Gayunpaman, siniguro ng opisyal na mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga aktibidad ng bulkan.
Tinitiyak rin aniya nila na walang tao sa loob ng permanent danger zone ng mga bulkan, at ang mga preparedness measure na kakailanganin sakaling itaas ang alert level ng mga ito, ay nakalatag na. | ulat ni Racquel Bayan