Tutungo sa Brussels, Belgium si Trade Secretary Alfredo Pascual upang i-follow up ang negosasyon ng Pilipinas at European Eunion (EU), para sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) at Free Trade Agreement (FTA).
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na kailangan maisakatuparan na ito sa lalong madaling panahon habang available pa ito para sa bansa.
Sakali kasi aniya na maging upper middle income country ang Pilipinas, hindi na ito eligibe pa para sa GSP+.
“Kasi alam ninyo iyong GSP+ is available to the Philippines now, given that the Philippines is a low-middle income country. Kapag naging upper middle income country ang Pilipinas, hindi na tayo eligible sa GSP+,” —Secretary Pascual.
Sa ilalim ng GSP+, nabibigyan ng special incentives ang mga developing countries sa pagsusulong ng sustainable development at good governance sa kanilang mga bansa.
Pagtitiyak ni Secretary Pascual, suportado ng European businessess at ilang miyembro ng European parliament ang Pilipinas sa usaping ito.
Kung matatandaan na ginanap na EU-ABC Annual General Meeting Gala Dinner sa Makati City, una na ring sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayon na ang angkop na panahon, upang patatagin ang matagal nang trade relations ng EU at Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine-EU Free Trade Agreement.
“A bilateral FTA will be a win-win strategy for both the Philippines and the EU, Marcos pointed out, adding it also promises to achieve mutually beneficial economic goals, while maintaining EU’s consistency with its core ideals and its Indo-Pacific region strategy.” —PCO.| ulat ni Racquel Bayan