Pamahalaang Lungsod ng Taguig, muling mamamahagi ng libreng hearing aid

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisimula ngayong araw ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng libreng hearing aid para sa mga kwalipikadong residente nito.

Layunin ng pamahalaang lungsod na magpamigay ng 10 hearing aids sa bawat barangay upang matulungan at mapabuti ang buhay ng mga may problema o kapansanan sa pandinig.

Magsisimula ang pamamahagi ng libreng hearing aid sa Barangay Lower Bicutan mula ngayong alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali; sa Barangay South Daang Hari pagsapit ng Huwebes, at Biyernes naman sa Barangay New Lower Bicutan.

Upang mapabilang sa programang ito ay kinakailangan na ang isang Taguigeño ay may edad 60 pataas; at may medical certificate na nagsasaad ng pangangailangan ng hearing aid.

Samantala, para naman sa mga may edad 59 pababa na nakararanas ng problema sa pandinig ay maaaring magpakonsulta sa ENT (Ear, Nose, and Throat) specialist ng Taguig Pateros District Hospital sa pamamagitan ng appointment tuwing Martes at Huwebes ng alas-10 ng umaga. Kinakailangan lamang na mag-text sa numero ng OPD-Surgery ng TPDH sa 09617044359.

Mula noong taong 2019, nasa 101 na indibidwal na ang nakatanggap ng libreng hearing aids sa ilalim ng programang Taguig Love Caravan.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us