Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga LGUs sa lugar na tangkilikin ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda ng probinsya partikular na yaong mga naapektuhan ng nagaganap na pag alburuto ng Mayon.
Ani ni Provincial Agriculturist Cheryl O. Rebate, ang pagbili ng mga ani ng mga lokal na magsasaka ay malaking tulong sa pagtiyak na hindi sila mauuwi sa pagkalugi.
Samantala, ang mga agri-fishery na produkto na bibilhin mula sa mga lokal na prodyusers ng lalawigan ay pwedeng isama sa food packs na ipinapamahagi sa mga evacuees na kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.
Sa katunayan ang pamahalaan ng Albay ay naglaan ng halos P3 Million budget bilang pambili ng mga lokal na produkto ng mga magbubukid.
Tinatayang may 5000 libong magsasaka ang naapektuhan ng ipinapakitang abnormalidad ng bulkan.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay