Pamilya Biazon, inilabas na ang detalye ng burol ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng pamilya Biazon ang detalye ng burol ng namayapang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at dating Senador Roldolfo Biazon.

Ayon sa inilabas ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, nakalagak ang labi ng kanyang ama sa Chapels 2, 3, at 4 ng Heritage Memorial Park sa Taguig mula ngayong araw hanggang June 18.

Bukas ang public viewing mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi at mayroong misa tuwing alas-7 ng gabi.

Sa Lunes ay nakatakda namang ilipat sa Senado ang labi ng namayapang dating senador para sa isang necrological service ng alas-10 ng umaga at magtatagal ang public viewing hanggang alas-3 ng hapon.

Pagkatapos nito ay gagawin ang huling burol sa Holy Child Chapel sa headquarters ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio kung saan magsisimula ang viewing ng alas-5 ng hapon.

At pagsapit naman ng June 20 magkakaroon ng misa ng alas-8 ng umaga bago dalhin ang labi ng namayapang senador sa huling himlayan nito sa Libingan ng mga Bayani na sisimulan sa pamamagitan ng isang martsa sa ganap na alas-11 ng umaga.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us