Pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor, pinagkalooban ng livelihood package

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa P15,000 hanggang P20,000 ang halaga ng pangkabuhayang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 sa mga magulang ng mga batang nailigtas mula sa child labor.

Kasabay ito ng isinagawang Independence Day Job Fair sa San Fernando Pampanga.

Nakatanggap ang walong benepisyaryo ng sari-sari store package, chicken breeding package, fruit benefit package, at lumpiang gulay benefit package sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Package program.

Si Lilia Aguilus na nakatanggap ng chicken breeding package, gagamitin ang negosyo para kumita at makaipon pampaaral sa kaniyang mga anak.

Umaasa naman si Niño Quiambao, na mapalago pa ang kanyang tindahan ng prutas para pantustos din sa pangangailangan ng kaniyang mga anak. Ngayong araw ay ginugunita rin ang World Day Against Child Labor. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us