Pampamahalaang Programa at Serbisyo Caravan, opisyal nang binuksan sa Luneta Park

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula na ngayong araw ang pagbibigay serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kalahok sa Pampamahalaang Programa at Serbisyo Caravan.

Kasunod ito ng pormal na pagbubukas ng caravan sa Luneta Park sa lungsod Maynila.

Ang inilunsad na programa ay bahagi ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Lunes, Hunyo 12.

Layunin nitong ilapit sa mamamayan ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan na hindi na kinakailangang magtungo pa sila sa mga tanggapan nito.

Mismong si MMDA Chairman Don Artes ang nanguna sa pagbubukas ng Caravan ngayong araw na tatagal hanggang bukas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us