Pampanga solon, hinikayat ang mga kasamahang mambabatas na higitan pa ang economic growth forecast ng World Bank sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang mga kasamahan sa Kamara na pagtulungang mahigitan pa growth forecast ng World Bank para sa ekonomiya ng bansa.

Kung matatandaan, mula sa 5.4 hanggang 5.6 percent ay itinaas ng World Bank sa 6% ang pagtaya sa paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 2023.

Aniya, huwag nang pansinin ang ingay sa politika at sa halip ay tulungan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang makahikayat ng mamumuhunan sa bansa at palaguin ang ekonomiya ng Pilipinas.

“Let’s ignore any political noise that comes our way. Let’s remain focused on helping President Ferdinand Marcos Jr. and our Speaker Martin Romualdez in keeping the economy on the high growth path by enhancing conditions that would attract investments and create job and income opportunities for our people,” ani Gonzales.

Positibo rin ang Pampanga solon na kung hindi magkakaroon ng malaking kalamidad ay kaya pang pataasin ng bansa ang economic growth nito lalo at una nang nakapagtala ng mataas na GDP growth noong huling dalawang quarter ng 2022 at unang quarter ng 2023 sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Panawagan pa nito sa Kongreso na magdoble kayod para makapagpasa ng mga polisiya at reporma na makagpapalakas pa lalo sa ating ekonomiya.

“So barring calamitous man-made and natural events, we should be able to do six percent and even beat the World Bank forecast this year. But much still has to be done. Let us continue working on measures that would improve the country’s economic conditions and the investment climate. Let us do the additional reforms and improvements businessmen and investors, and especially our people, are clamoring for,” diin ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us