Pananambang sa isang mamamahayag sa QC, kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nangyaring pamamaril sa Brgy. Masambong kung saan biktima ang isang mamamahayag.

Sugatan ang photojournalist ng Remate Online na si Joshua Abiad matapos pagbabarilin ang sinasakyan niyang SUV sa tapat ng kanyang bahay kung saan kasama rin sa nadamay ang kanyang dalawang pamangkin.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na bagamat kampante na ito dahil nasa maayos nang lagay ang mamamahayag, hindi pa rin ito titigil sa paghabol sa hustisya.

Ayon kay Mayor Joy, walang lugar ang karahasan at pananakot sa Quezon City, maging sa mga miyembro ng media o kahit sino pa man.

Pagtitiyak nito, mananagot ang mga salarin ng krimeng ito.

Sa ngayon, ongoing na aniya ang masusing imbestigasyon sa nangyari at umaasa itong mabilis ring maaaresto ang mga nasa likod ng pananambang.

Patuloy ang manhunt operation ng Quezon City Police District.

Una nang sinabi ng QCPD na kasama sa iniimbestigahan nito ang anggulong tumayong testigo sa drug cases ang binaril na mamamahayag. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us