Nakiisa si Senador Risa Hontiveros sa international community sa panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign ng pamahalaan.
Sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, sinabi rin ni Hontiverso na nakikiisa siya sa mga bikitma ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender inclusive.
Ipinunto ng senador na ang karanasan ng bansa sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon ay hindi naging epektibo at nakalikha lang ng oportunidad para sa human rights abuses at violations at nagpalala ng sitwasyon ng mga mahihirap na komunidad.
Umaasa ang mambabatas na ang kasalukuyang administrasyon ay makikiisa at makikipagtulungan sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng war on drugs; sa pagrepaso ng mga kasalukuyang polisya tungo sa mas komprehensibo, inklusibo, makatao, at makatarungang drugs response; at sa pagsusulong ng isang community-based drugs prevention and voluntary treatment and rehabilitation.
Inaasahan rin ni Hontiveros na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay mas mabibigyang diin ang pagtugon sa mga health at social services ng mga nangangailangan gaya ng mga persons who use drugs (PWUDs) at maging ng mga vulnerable sa paggamit na ipinagbabawal na gamot. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion