Binigyan ng mataas na grado na 8.5 out of 10 ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers ang ‘performance’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang unang taon sa pwesto.
Ayon kay Barbers, ang mataas na gradong ito ay dahil na rin sa ilang mahahalagang sektor na napagtagumpayang isulong ng Pangulo sa unang 12 buwan ng kaniyang administrasyon.
Una dito ang panghihikayat sa mga mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas.
Kapuri-puri din aniya ang malinaw na posisyon ng Marcos Jr. administration pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.
“…Four glaring achievements that, in my opinion, earned him this high remark in his first year in office. First, we saw him and House Speaker Martin Romualdez exert great effort in wooing investors to come to the Philippines and invest. President Marcos has been on a road show. These investments will help provide jobs to Filipinos. Second, the Philippines has adopted the role of catalyst for peace in the West Philippine Sea (WPS)… In my opinion, the President has performed the balancing act well and it has been favorable to the interests of the country,” ani Barbers.
Kasabay nito kinilala din ni Barbers ang pagbibigay importansya ni PBBM sa imprastraktura sa ilalim ng kaniyang “Build, Better More”. Magreresulta kasi aniya ito sa dagdag na trabaho at kita, na makatutulong sa pagpapababa ng kahirapan.
Bilang chair naman ng House Committee on Dangerous Drugs, kinilala din ni Barbers ang paninindigan ni PBBM laban sa iligal na droga at kriminalidad.
“The recent filing of cases against 50 cops, including high-ranking officials, in connection with the confiscation of ₱6.7-billion worth of “shabu” last year in Manila shows that President Marcos means business against the drug menace,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes