Pangulong Marcos Jr., binigyang diin ang ‘accessibility’ ng mga gusali para sa mga PWD, senior citizens at buntis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang magkaroon ng disenyo sa mga gusali upang maging accessible ang mga ito para sa mga Persons with Disability, elderly pati na sa mga buntis.

Sa talumpati ng aangulo sa ika-125 anibersaryo ng DPWH, sinabi nitong panahon na ring magkaroon ng pokus sa iba pang aspeto ng pagtatayo ng gusali.

Hindi lang aniya dapat na maituon sa physical design ang mga itinatayong imprastraktura kundi dapat ding maisa-alang- alang ang konsepto ng ‘accessible design’.

Sabi ng pangulo, dapat nang maisa-alang- alang ang pangangailangan ng mga PWD, mga senior at mga nagdadalang tao kung pag-uusapan ay ‘accessibility’ sa mga gusaling pinupuntahan ng mga ito.

Kaya na aniyang gawin ito gamit ang technological advancement and innovations na maaaring maging bahagi ng sistema sa pagtatayo ng imprastraktura. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us