Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan sa ilalim ng kanyang administrasyon upang labanan ang “fake news”.
Sa talumpati nito sa 14th International Conference of Information Commissioners, sinabi ng pangulo na upang labanan ang disinformation at misinformation ay ilang kampanya ang ilulunsad digitally.
Ito ay ang pagsasagawa ng media information literacy campaign na ang approach ay “youth-oriented”.
Tiniyak din ng pangulo ang patuloy na pagpapatupad ng freedom of information program sa ehekutibo sa pangunguna ng Presidential Communications Office o PCO.
Kasabay nito’y nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na panatilihin ang access ng publiko sa FOI. | ulat ni Alvin Baltazar