Pangulong Marcos Jr., muling umapela sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan sa publiko si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpaturok Ng bakuna upang masigurong may proteksyon laban sa COVID-19 lalo na ang mga nasa vulnerable sector.

Ang apela ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa ginawa nitong pangunguna sa launching ng Bivalent vaccination sa Philippine Heart Center.

Ayon sa Pangulo, bagama’t maituturing na humupa na ang pandemya at hindi na gayung ka-grabe ang sintomas ng sakit ay nananatili pa rin namang naririyan ang nasabing karamdaman.

Pagbibigay diin ng Pangulo, hindi pa rin dapat magpakakampante at malaki ang maitutulong ng bakuna para mapanatili ang gumagandang laban kontra sa COVID-19.

Kaya anyaya ng Pangulo sa lahat, magpabakuna na at malaki aniya ang kanyang inaasahan sa bagong liderato ng DOH sa katauhan ni Secretary Ted Herbosa na mapapalakas nito ang kampanya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbabakuna. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us