Personal na pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang United Arab Emirates (UAE) sa kanilang suporta sa Pilipinas at sa napapanahong assistance na ipinadala ng kanilang bansa para sa mga apektadong pamilya sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
“Thank you very much. I cannot go further without thanking the UAE for the very timely assistance that you provided the victims of the explosion of our volcano,” —Pangulong Marcos Jr.
Sa courtesy call sa Malacañang ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi, sinabi ng pangulo na tumatanaw ng utang na loob ang bansa at maibabalik rin ng Pilipinas ang kabutihan ng UAE sa mga Pilipino.
“Unfortunately, the Philippines falls victim not only to volcano explosions, but of course to typhoons, and earthquakes. We are in that part of the world where we are vulnerable. We are hoping that the activity of the volcano will start to calm. But we cannot say that for sure, but we are watching it closely,” —Pangulong Marcos Jr.
Kung matatandaan, kasabay ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong Lunes, tinanggap ng bansa ang ipinadalang 50 tonelada ng pagkain at gamot ng pamahalaan ng UAE.
Agad naman itong ipinagdala ng gobyerno sa mga apektadong residente sa Albay. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO