Panukala laban sa pagpapakalat ng tsismis at iba pang uri ng pambubully sa opisina, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ng mag-inang ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo at Quezon City Rep. Ralph Tulfo ang House Bill 8446 o panukala laban sa office bullying.

Salig sa Anti-Bullying in the Workplace Act, ituturing na office bullying ang labis o paulit-ulit na paggamit ng empleyado o mga empleyado ng written verbal, o electronic expression o pisikal na pananakit laban sa employer, katrabaho, at iba pang tao kung saan ito mayroong propesyonal na relasyon.

Kasama rin dito ang pagkakalat ng tsismis o maling impormasyon, pagnanakaw o pag-angkin ng credit o pagpigil na makuha ang isang oportunidad o karera.

Ang administrative o human resource officer o kahalintulad na posisyon ang bubuo at titiyak na ipatutupad ang naturang anti-bullying policy.

Ang kopya ng anti-bullying policy na ito ay ibibigay sa lahat ng empleyado at dapat nakapaloob sa kanilang employees’ handbook.

“Matagal ng issue itong bullying sa trabaho, hindi lang napapansin dahil iniisip ng iba okay lang yung ginagawa nila. In fact, yung mga bosses mismo wala silang pakeelam sa nararamdaman ng kaopisina nila sila pa ang nangunguna sa pambubully. They often disguise insults and harrassment of their officemate in the form of “jokes” or “friendly banter” without being sensitive about the victim’s emotions.” saad ni Rep. Jocelyn Tulfo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us