Panukalang ayusin ang criteria sa pagtatakda ng minimum wage, inihain sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang panukalang batas na ibase sa living wage ang minimum wage ng mga manggagawa.

Ito ay matapos aprubahan ng National Capital Region (NCR) Regional Wage Board ang P40 wage hike para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa inihaing Senate Bill 2140 ni Villanueva, layuning amyendahan ang wage fixing criteria ng Labor Code of the Philippines para ilagay ang living wage o sahod sa sentro ng pagtukoy ng regional minimum wage.

Nakasaad din sa panukala, na dapat tiyakin na ang living wage na natatanggap ng mga manggagawa ay makakatulong para mabigyan ng sapat na pagkain, damit, tirahan at edukasyon at general well-being ang kanilang pamilya.

Pinunto ng senador, na sa ngayon ay pinagkakasya lang ng mga Pilipinong manggagawa ang kasalukuyang daily minimum wage na P306 hanggang P570 para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya tulad ng pagkain, transportasyon, gamot, tirahan at edukasyon.

Sa pagtukoy ng regional minimum wages, nakasaad sa panukala na dapat ikonsidera ang “estimated cost of living” base sa laki ng isang pamilya sa rehiyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us