Panukalang batas pagbibigay gantimpala sa di-pangkaraniwang atletang Bangsamoro, inihain sa Parliamento ng BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Member of Parliament Amilbahar Mawallil ang panukalang batas para sa di- pangkaraniwang atleta sa rehiyon ng BARMM.
Ito ang Parliament Bill no. 200 o ang The Bangsamoro Athletes Recognition and Incentives Act of 2023.

Nakapaloob sa panukalang batas ang iba’t ibang gantimpala gaya ng pera, ayunan pang edukasyon, programang pagsasanay, kagamitan at pasilidad sa sports at suporta sa partisipasyon sa international kompetisyon.

Samantala, mabibigyan ng mas mataas na gantimpala ang mga pambihirang atletang mananalo sa prestihiyosong kompetisyon gaya ng Olympic Games, Southeast Asian Games at iba pang internation tournament.

Bibigyang mandato ng naturang panukala ang Bangsamoro Sports Commission (BSC) upang mamahala sa pondong alokasyon ng naturang programa.

Umaasa si MP Mawallil sa suporta at apruba ng Parliamentong BARMM, upang mabigyang karangalan ang mga di- karaniwang atleta sa rehiyon ng BARMM.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us