Panukalang bumuo ng inter-agency group na maglalatag ng water crisis mastreplan, lusot na sa komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng House Committee on Public Works and Highways ang House Bill 6345 na naglalayong bumuo ng isang inter-agency body na siyang maglalatag at magpapatupad ng isang komprehensibong masterplan para tugunan ang nakaambang na water crisis.

Bibigyang kapangyarihan din ang naturang inter-agency para atasan ang mga ahensya ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor na makibahagi sa pagresolba sa kakulangan sa tubig.

Ayon kay Bulacan 3rd district Rep. Lorna Silverio, may-akda ng panukala, sa mga nakaraang taon ay palagian nang nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig ang bansa.

Katunayan kahit pa aniya panahon ng tag-ulan ay nagkakaroon pa rin ng water shortage lalo na sa NCR.

At dahil sa pag-iral ng El Niño ay lalo lamang aniya nitong palalalain ang problema.

“Given the vital importance of water to the everyday lives, leaders of the nation should be alarmed and should act today to avert a devastating water shortage. Even with the La Niña season, when there is supposed to be an abundance of water supply, the nation, particularly the National Capital Region (NCR), experiences water shortages that adversely impact on communities and business operations.” ani Silverio.

Dagdag pa ng mambabatas na bagamat nakatutulong ang pagrarasyon ng tubig bilang stop-gap measure ay kagyat na kailangan na ang isang pangmatagalang solusyon na titiyak sa suplay ng malinis at ligtas na inuming tubig. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us