Panukalang isabatas ang pagpapatupad ng One Town, One Product program, isusumite na sa Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalalapit nang maging batas ang ‘One Town, One Product’ bill na layong palakasin ang lokal na industriya at negosyo sa bawat rehiyon, munisipalidad at siyudad sa Pilipinas.

Ang OTOP bill ay nakatakda nang isumite sa MalakañANG para sa pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang bicameral conference committee report ng panukala.

Ayon sa sponsor ng OTOP bill sa senado na si Senador Mark Villar, layon ng OTOP program na suportahan at palakasin ang kakayahan ng mga lokal na industriya, partikular sa mga rural area at makagawa ng maraming trabaho at pagkakakitaan para sa mga tao.

Sakaling maisabatas ay aatasan ang Department of Trade and Industry (DTI) na bumuo ng six-year national OTOP strategic development plan sa loob ng isang taon.

Gagawin ito nang may konsultasyon sa stakeholders at ia-update kada taon.

Kabilang rin sa mga nakasaad sa panukala ang paglilista ng mga OTOP product qualifications kasama dito ang culture, community resources, creativity, connection, at competitive advantage.

Magbibigay rin ito ng market access at product promotion sa iba’t ibang uri ng platform. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us