Sinimulan nang pulungin ng House of Representatives ang ilan sa partner agencies nito na magbibigay seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.
Nitong Martes ay nakipagpulong si House Sergeant-at-Arms PMGen Napoleon Taas (Ret.) sa kinatawan ng Presidential Security Group, Metro Manila Development Authority, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at ang Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado.
Partikular na natalakay ang ipatutupad na safety at security measures sa araw ng SONA gayundin ang daloy ng trapiko. Inaasahan na masusundan pa ang naturang pulong.
Noong unang SONA ni PBBM ay halos 22,000 pulis ang ipinakalat para tiyakin ang seguridad at kaayusan.
Nakagawian na rin ang pagsasailalim ng Batasang Pambansa sa lockdown tatlong araw bago ang SONA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes