Payo ni Senadora Cayetano sa mga magulang, makinig sa mga eksperto tungkol sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senadora Pia Cayetano ang mga nanay na makinig sa payo ng mga medical professional at health worker tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng kanilang mga anak.

Binigyang-diin ng senadora na huwag pansinin ang mga fake news tungkol sa mga bakuna na kumakalat sa mga social media platforms.

Pinunto ni Cayetano ang balita kamakailan na tumataas ang mga kaso ng measles sa Pilipinas, kung saan base sa datos mula sa Department of Health (DOH) ay nitong weekend ay tumaas ng 339 percent ang mga measles case hanggang nitong May 20.

Nakakalungkot aniyang may mga kabataang namamatay dahil sa tigdas dahil maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng routine vaccination.

Dapat aniyang makinig at mas maniwala sa mga doktor at iba pang lehitimong health workers tungkol sa kung ano ang makakabuti para sa kanilang mga anak.

Si Cayetano ang principal sponsor ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 (RA 10152).| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us