Payout para sa social pension ng mga indigent Senior Citizen sa Las Piñas City, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang pamamahagi ng social pension cash-payout para sa mga indigent na Senior Citizen sa Lungsod ng Las Piñas.

Partikular na isinagawa ang payout sa mga nakatatandang residente ng Verdant Covered Court sa Brgy. Pamplona Tres.

Personal na binisita ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng nasabing social pension para sa mga Las Piñero na Senior Citizen.

Ayon kay Vice Mayor Aguilar, malaking tulong sa mga nakatatanda ng lungsod ang nasabing pensyon para sa kanilag pangaraw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.

Para naman sa mga Senior Citizen ng Las Piñas na nais makakuha ng pensyon, pumunta lamang sa mga assigned payout center at ipakita lamang ang kanilang identification o ID cards mula sa OSCA at iba pang dokumento.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us