PBBM, iginiit ang pagpapatupad ng Philippine Rural Devt Project para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng proyektong aniya’y maglalapit sa mga mangingisda at magsasaka sa merkado na magbubunga ng mas mataas na kita.

Sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up ay layunin ntong mapaunlad ang sektor ng agrikultura na mapapakinabangan ng mga Pinoy farmers at fishermen pati na ng mga consumers.

Nasa ₱45.1-billion sabi ng Pangulo ang inilaang pondo para sa nasabing programa sa harap na rin ng pagnanais ng administrasyon na mapalakas ang agrikultura sa bansa at matiyak ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito’y nakapulong ng Pangulo ang World Bank sa Palasyo at napag-usapan ang tungkol sa estado ng PRDP Scale-Up.

Kasama rin sa prayoridad ng nasabing proyekto ang pagpapatuloy ng paggawa ng mga farm-to-market road. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us