PBBM, muling pinsalamatan ang health workers sa kanilang ginampanang papel sa panahon ng pandemya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa health workers dahil sa pagsasalba ng mga ito sa buhay ng milyon-milyong mga Pilipino.

Sa launching ng Bivalent vaccination sa Philippine Heart Center, inihayag ng Pangulo na kailanma’y hindi niya nalilimutang magpasalamat sa medical frontliners sa tuwing ito’y kanyang nakakaharap.

Dahil sa sakripisyo aniya ng health workers ay milyon-milyong buhay ang naisalba lalo na nuong kainitan ng pandemya.

Kahit batid aniya ng mga ito ang peligrong nakaamba ay tuloy lang ang pagtupad ng health workers sa kanilang tungkulin .

Idinagdag ng Chief Executive na kahit pa nga kulang ang proteksyong kailangan ng frontliners gaya ng PPE at kawalan pa nuon ng bakuna ay hindi nag-alinlangan ang mga ito gawin ang kanilang mandatong gamutin ang mga nangangailangan nating kababayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us