Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya’y maalala ng mga Pilipino bilang isang lider na nakatulong sa mga pangkaraniwang mamamayan.
Ayon sa Pangulo, kung ano ang makatutulong at makabubuti sa tao ay iyon naman talaga ang dapat gawin.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na mula sa magagandang nagagawa para sa mga Pilipino ay ito ang legasiyang maaaring maikonsiderang maiwan sa taongbayan.
Kaya mabuti aniya na alalahanin ang kasaysayan gayung mula dito ay makakapulot ng mga magagandang bagay na nagawa na dapat ulitin.
At sa kabilang banday huwag nang ulitin pa ang mga pagkakamali na nagawa sa nakaraan. | ulat ni Alvin Baltazar
📸:Office of the President