Muling ipinangako ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa publiko na palagiang bukas ang kanilang tanggapan para tumulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, bukas ang kanilang tanggapan at ang kanilang komunikasyon upang tumugon sa pangangailangan, partikular sa atensyong medikal at financial assistance.
Dagdag pa ni Cua na kabilang din ang kanilang tanggapan sa maaring tawagan sa President’s Hotline na 8888 upang agarang magbigay ng tulong sa mga callers partikular sa hospitalization at iba pang tulong sa atensyong medikal.
Sa huli sinabi ni Chair Cua sa publiko na nais nilang kapag nabanggit ang PCSO ay naiisip na kami ay ahensyang pinakikinggan at inaaksyunan ang hinihinging tulong ng ating mga kababayan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio