PCSO, sinuspinde ang STL operations sa probinsya ng Cebu at Southern Leyte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang Authority to Operate ng Saturn Gaming N’ Amusement Corporation na nag-ooperate sa lalawigan ng Cebu at Southern Leyte dahil sa paglabag sa mga iligal na aktibidad sa naturang mga lalawigan.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ito’y matapos lumabag sa panuntunan ng PCSO ang naturang gaming company dahil sa pagkakaroon nito ng illegal gambling transactions sa mga nabanggit na lalawigan.

Kaugnay nito, nakipag-unayan na ito kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na atasan ang mga police commander upang mamatyagan ang mga illegal gambling hindi lamang sa Cebu at Southern Leyte maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dagdag pa ni Robles na magsilbing aral na ito sa ibang STL operators na hindi mag-aatubili ang PCSO na kanselahin ang kanilang mga Authority to Operate kapag sila ay lumabag o gumawa ng iligal na gawain sa STL. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us