Muling pinagtibay ng Pilipinas at Singapore ang malalim na pagkakaibigan at kooperasyon sa iba’t ibang sektor.
Sa courtesy call ni Vice President Sara Duterte kay Singapore President Halimah Yacob, napag-usapan ang bilateral relations ng dalawang bansa na naka-angkla sa people-to-people ties, health care at manpower.
Ibinahagi rin ni VP Sara ang mga prayoridad sa ilalim ng kanyang termino pati na ang regional developments.
Huling nagkita sina VP Sara at President Yacob noong 2019 nang bumisita ito sa Pilipinas para sa isang state visit.
Samantala, kapwa isinusulong ng pangalawang pangulo at ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong ang pagtuturo ng mother tongue sa mga kabataan bukod sa pagpapalakas ng “English” bilang global language.
Natalakay sa pulong nina VP Sara at Prime Minister Lee ang language proficiency, matatag na labor, economic at defense links at ang kontribusyon ng Filipino community sa paglago ng Singapore. | ulat ni Hajji Kaamiño
: OVP