Petisyon ng UN Special Rapporteur sa Supreme Court para manghimasok sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa, tinutulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinontra ni Atty. Larry Gadon ang petisyon ng UN Special Rapporteur na payagan silang manghimasok sa pagdinig ng korte sa kasong cyber libel ni Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Gadon, walang batayan ang petisyon ni San Beda Law Dean Rodel Taon, para payagan ang kanyang kliyente na si UN Special Rapporteur on the Promotion of Right to Freedom and Opinion and of Expression Irene Khan.

Nais kasi ni Khan, na payagan silang magsagawa ng sarili nilang pagsisiyasat dahil tila nalabag daw ang mga karapatan ni Ressa sa Kalayaan sa pamamhayag.

Kahapon, naghain ng intervene to appear as amicus curiae and admit amicus curiae brief ang UN Special Rapporteur sa Supreme Court.

Ang petisyon na ito ay humihikayat sa Korte Suprema na imbitahan ang isang eksperto para magbigay ng kanilang opinion o pananaw sa isang isyu.

Sabi ni Gadon, hindi na kailangan ng eksperto na mga dayuhan dahil napaka rami naman nito sa Pilipinas.

Kung papayagan umano ito ng Supreme Court ay malalabag na nito ang soberenya ng bansa mula sa panghihimasok ng mga dayuhan.

Wala din daw paglabag sa karapatan ng pamamahayag sa kaso ni Ressa, dahil ang hindi nito pagbibigay ng panig ng kanilang ibinalita ang dahilan kung bakit siya nahaharap sa kasong cyber libel. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us