PhilHealth Konsulta Package, mas paiigtingin pa sa tulong ng Primary Care Provider Network

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas paiigtingin pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga miyembro nito.

Kasunod ito ng Service Level Agreement sa Primary Care Network sa mga Konsulta Primary Care Provider Network.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mabibigyan ng atensyong medikal ang mga pasyente sa tulong ng mga accredited doctor.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. na sa ilalim ng programa, sasagutin ng PhilHealth ang initial at follow-up primary care consultations, health screening, assessment, at ilang diagnostic services, at gamot.

Katuwang naman ng PhilHealth sa programa ang mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng pondo sa health care service para sa mga pasyente.

Sa ngayon, sa limang sandbox sites o mga piling lugar muna isasagawa ang programa kabilang dito ang Bataan, Baguio, Quezon Province, South Cotabato at Guimaras. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us