Philhealth, magiging mabilis, responsab;e at magiging aksyon agad sa ilalim ng bagong Health Secretary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinagubilinan ni Health Sec. Teodoro Herbosa ang lahat ng mga kawani ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na tiyakin ang mabilis na aksyon para sa kalusugan ng mga Pilipino.

Ang utos na ito ni Herbosa ay kasunod ng kanyang kauna-unahang pamumuno bilang Chairman at Presiding Officer ng Board Meeting ng Philhealth.

Sabi ng Kalihim, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay dapat maging responsable, mabilis at aksyon agad ang Philhealth para matiyak ang kalusugan ng taumbayan.

Bilang isang state run health insurance, walang dapat mamamatay na pasyente dahil sa kakulangan ng panggastos.

Nais din ni Herbosa na maabot ng bansa ang isang malusog na Pilipinas dahil ang bawat buhay ay mahalaga. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us