Philippine Airlines, nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa dahil sa kakapusan ng eroplano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang nagkansela ng kanilang biyahe ang tinaguriang flag carrier ng bansa na Philippine Airlines (PAL).

Ito ay sa harap na rin ng usapin hinggil sa kakulangan ng mga eroplano ng nasabing airline company.

Kabilang sa mga pansamantalang kinansela ng PAL ay ang mga biyahe nito patungong Canada, Hong Kong, Kansai, Fukoka at Narita sa Japan gayundin sa Singapore, Bangkok sa Thailand at Guam.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, patuloy na kinukumpuni ng kanilang maintenance team ang mga depektibong eroplano.

Agad na ililipat ang mga pasahero sa mga susunod na available flights sabay paghingi ng paumanhin, at pang-unawa sa mga apektadong pasahero na nabalam ang biyahe dahil sa usapin.

Magugunitang ilang pasahero ang nagalit sa mga biglaang kanselasyon ng flag carrier sa kanilang flights sa ilang bansa dulot ng aircraft shortage. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us