Nagsagawa ng blood letting activity ang Philippine Army kasama ang Philippine Red Cross (PRC) sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City.
Umabot sa 1,310 ang nagdonate ng dugo, kabilang ang mga sundalo, ROTC Cadets, iba pang uniformed personnel at mga sibilyan.
Mula sa naturang bilang, nasa 282 blood bags ang mapupunta sa AFP Medical Center habang nasa 319 blood bags ang mapupunta sa PRC.
Nasa 601 (450cc ng dugo kada bag) na mga bag ng dugo ang nakolekta mula sa mga donor.
Nasa 179 vouchers (1 voucher ay katumbas ng isang blood bag) mula sa mga nakolektang blood bag o 30% ng shares ay irereserba para sa Philippine Army sa pamamagitan ng Army General Hospital.
Pinayagan lamang magdonate ang mga kumpleto ang oras ng tulog at tatlong buwan nang nakalipas mula noong huling nagbigay ng dugo.
Ayon kay Lt.Gen. Romeo Brawner Jr., commanding general ng Philippine Army, ito ang kanilang paraan para makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.| ulat ni Bernard Jaudian