Philippine Customs Lab, planong buhayin ng BOC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Planong buhayin ng Bureau of Customs o BOC ang operasyon ng Philippines Customs Laboratory o PCL.

Ito ay para sa mas maayos at tamang “analysis” ng mga produktong-kemikal na pumapasok sa ating bansa, at upang matukoy ang nararapat na buwis para sa mga imported na produkto.

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagbuhay sa PCL ay kabilang sa mga natalakay sa nakalipas na training program na ikinasa ng Korea International Cooperation Agency o KOICA at Korea Customs Service sa ilalim ng International Cooperation Program ng bansang South Korea.

Naniniwala si Rubio na ang pagbabalik-operasyon ng PCL ay isang oportunidad upang higit pang mapalakas ang border security efforts, mapataas ang revenue collections, at lalo pang pagtibayin ang international cooperation sa hanay ng customs.

Dagdag ni Rubio, ang partnership ng BOC sa KOICA ay malaking tulong sa hangad na modernisasyon at “credible” o mapagkakatiwalaang Customs administration.

Higit sa lahat, ani Rubio, ang PCL ay magsisilbing hadlang laban sa technical smuggling, sa pamamagitan ng paggamit ng mga “scientific and technical expertise, advanced technology, at intelligence-driven strategies.”

At dito, mapoprotektahan ang pambansang seguridad, ang kita ng pamahalaan, at kaligtasan ng mga mamamayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us