Umaabot sa 110 foreign investors mula business and financial communities and chambers ang dumalo sa Philippine Economic Briefing (PEB) sa Singapore.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, espesyal ang Singapore sa growth story ng Pilipinas at kasabay nito ang pagdiriwang ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Sa isinagawang PEB, inilahad ni Diokno ang matatag na paglago ng bansa at mga investment opportunities.
Tiniyak din nito sa mga Singaporean business na patuloy na gagamitin ng gobyerno ang “private capital and expertise” sa pamamagitan ng mekanismo ng public-private partnership.
Aniya ito ay kritikal sa pagpapahusay ng sektor ng health, energy, logistics, agriculture, transportation, telecommunications, digital connectivity, at water infrastructure––key sectors na tinukoy bilang Infrastructure Flagship Projects list ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board.
Ang Singapore ang top source ng bansa sa Foreign Direct Investment (FDI) inflows at 7th largest trading partner, habang 5th largest export market at 6th largest import supplier sa buong mundo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes