Nagbigay ng kanilang huling pagpupugay at respeto ang mga tauhan ng Philippine Marine Corps para sa yumaong dating Sen. Rodolfo “Pong” Biazon.
Kasalukuyang nakalagak ang labi ng yumaong dating Senador sa Philippine Marine Corps Headquarters sa Taguig City kung saan, dumalaw si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Andres Centino
Dakong ala-7 kanina nang magsagawa ng Necrological Service ang Chaplain Service ng Philippine Marine Corps na dinaluhan ng naulilang pamilya, mga mistah ng dating Senador sa Philippine Military Academy o PMA, kamag-anak at kaibigan.
Mananatili ang labi ng yumaong dating Senador sa Philippine Marine Corps Headquarters hanggang bukas, Hunyo 20 at dadalhin ito sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City para sa funeral rites.
Matapos nito’y dadalhin naman ang labi ng nakatatandang Biazon sa Libingan ng mga Bayani kung saan siya bibigyan Full Military Honors bago tuluyang ihatid sa kaniyang huling hantungan.
Si Biazon ay unang nanungkulan bilang Commandant ng Philippine Marines at naging Superintendent ng PMA bago naging kauna- unahang “Marines” na naupong AFP Chief of Staff noong 1991| ulat ni Jaymark Dagala