PHIVOLCS nagbabala ng lahar flow sa Bulkang Mayon, kapag may malakas na pag-ulan sa bundok

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ni Ms. Mariton Bornas, pinuno ng Volcano Monitoring Division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may bantang lahar flow sa Bulkang Mayon kapag maganap ang malakas na pag-ulan sa bulkan. Ito ang bahagi ng Miisi at Bonga Gullies. 

Maapektuhan rin ang channel sa Bodyao at Banadero sa Daraga gayundin sa Pawa, Mabinit, Matanag at Buyuan sa Lungsod ng Legazpi.  Subalit confined lamang ito sa mga channel dahil sa hindi pa ganoon karami ang materyal na iniluwa ng bundok.

Ang estimate ng kanilang Geological team, mababa pa sa 10 million cubic meters ang bagong ibinugang material ng Bulkang Mayon, mula ng ito ay i-akyat sa Alert Level 3 noong Hunyo 8, 2023, at nang magsimula ang lava flow noong Hunyo 11, 2023.

Sinabi niya na ito ang pinagsama-samang materyal na lumabas sa bulkan mula sa lava flow, rock fall events, pyroclastic density current o PDCs at ash fall. 

Nilinaw ng eksperto na malayo pa sa border ng 6 PDZ ang mga materyal na inilabas ng bundok habang wala naman gaanong ash fall sa bulkan. 

May nairehistro noong Hunyo 15, 2023 sa bahagi ng bayan ng Guinobatan at Camalig, subalit hindi ito lumagpas sa dalawang kilometro at tumagal lamang ito sa loob ng tatlong minuto. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us