Wala pang nakikitang indikasyon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para baguhin ang alert level ng bulkang Taal.
Paliwanag ni Science Research Specialist Eric Arconado ng PHIVOLCS Taal Volcano Observatory, nakabase ang pagbaba o pagtaas ng antas ng bulkan sa itinakdang major monitoring parameters kabilang ang geophysics, pagbabago ng hugis ng lupa, at geochemistry.
Sa kabila ng pagkalma ng bulkang Taal sa nakalipas na araw, hindi pa rin tiyak ani Arconado kung ibababa ang alert level ng bulkan dahil sa aniya’y ‘complex behavior’ nito.
Sa katunayan, ang bulkang Taal ang ikalawa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Hazel Morada