Nagkasundo ang Pilipinas at India na simulan ang negosasyon sa pagbuo ng preferential bilateral trade agreement na layong bawasan at tanggalin ang taripa sa ilang produkto.
Ang anunsyo ay ginawa matapos ang naging 5th India-Philippines Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi, India na pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indian External Affairs Minister S. Jaishankar noong June 29.
Sa Joint Statement na inilabas ng Pilipinas at India, umabot sa US $3 billion ang naging bilateral trade sa pagitan ng dalawang bansa para sa taong 2022-2023.
Binigyang diin din na kinakailangan ng Pilipinas na mapalawak pa ang connectivity at ease of travel upang mapalago ang sektor ng turismo, trade at investment, at people-to-people exchange sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakatakdang magbigay ng detalye ang Department of Foreign Affairs kung kailan magsisimula ang unang round ng negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📷: DFA