Pilipinas at Israel, lumagda ng MOU na may kinalaman sa environmental protection

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ngayong araw ang Pilipinas at Israel na may kinalaman sa Environmental Protection kung saan magbibigay ito ng oportunidad para ibahagi ang best practices nito sa pagtugon sa mga problemang may kinalaman sa kalikasan, tulad na lamang ng pag-preserba sa ecosystem, disaster risk management, at pagkakaroon ng environmental technologies.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang Israel ay isa sa mga mahahalagang katuwang ng Pilipinas sa Gitnang Silangan, kung saan mayroong malalim na kooperasyon ang dalawang bansa sa larangan ng defense and security, agriculture, labor, at people-to-people exchange.

Sinabi rin ni Manalo na nais nito na mapalawak ang oportunidad ng Pilipinas pagdating sa agham at teknolohiya, trade at investment, counterterrorism, enerhiya, at marami pang iba.

Para naman kay Israel Foreign Minister Eli Cohen, nais nito na mapalawak pa ang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa larangan ng agrikultura, water management, at cybersecurity.

Nais rin ni Cohen na magkaroon ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel na makakapag-ambag sa larangan ng turismo at pagnenegosyo. | ulat ni Gab Humilde

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us