Pagtutulungan ng Pilipinas at Singapore ang pagpapatibay sa sistema ng edukasyon kabilang ang usapin ng special needs education.
Sa pakikipagpulong ni Vice President Sara Duterte kay Singapore Second Minister of Education and Foreign Affairs Dr. Mohamad Maliki Osman, palalalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan.
Ibinahagi ni VP Sara kay Minister Osman ang mga gawain sa Southeast Asian Ministers of Education Organization.
Sumentro rin ang diskusyon sa mga pamamaraan upang suportahan ang educational development sa rehiyon.
Kabilang pa sa napag-usapan ang mga isyu tulad ng language learning at paggamit ng teknolohiya at Artificial Intelligence o AI sa mga paaralan.
Sinabi pa ni Osman na mahalaga ang palitan ng pananaw at ideya ng mga paaralan sa pagitan ng dalawang bansa upang matutuhan ang kultura. | ulat ni Hajji Kaamiño