Pilipinas magiging host country ng 2024 Forbes Asia Forum and Global CEO Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagho-host ng bansa ng 2024 Forbes Asia Forum and Global CEO Conference.

Ang pasya ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pakikipagpulong nito sa senior executives ng Forbes Media sa Malacañang kagabi.

Kaugnay nito’y nagpahayag ng pag-asa ang Punong Ehekutibo na maipapakita sa nabanggit na konperensya kung ano ang Pilipinas sa kasalukuyan sa gitna na din ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na makahikayat pa ng mas maraming foreign investors.

Magtitipon-tipon sa nasabing konperensya ang mga CEO sa iba’t ibang bahagi ng mundo, entrepreneurs, mga mamumuhunan at mga lider kung saan dito’y pag-uusapan ang “key issues of international concern” habang inaasahan din ang pagbuo ng bagong partnerships.

Ang global conference ngayong taong ito ay gagawin sa Singapore sa darating na Setyembre na kung saan ay imbitado ang Chief Executive. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us