Muling pinagtibay ng Pilipinas ang commitment nito sa Proliferation Security Initiative sa naging High-Level Political Meeting sa Jeju, South Korea.
Ayon kay DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Ricardo “Gary” Domingo, nakikipagtulungan ang bansa sa mga partner nito na pigilan ang paglaganap ng weapons of mass destruction at ang kanilang paraan ng paghahatid nito.
Binigyang-diin din ni Domingo na mahalagang tandaan ang mga panganib na dulot ng mga bago at umuusbong na teknolohiya, kabilang ang cyberspace at sa outer space, pati na rin ang artificial intelligence, dahil mayroon silang potensyal na maging “weapons of mass destruction”.
Ipinaalam din nito na ang Pilipinas ay naglunsad ng kanilang kandidatura para sa isang non-permanent seat sa UN Security Council para sa terminong 2027-2028.
Sa pamamagitan nito, umaasa ang Pilipinas na makapag-ambag ng malaki sa gawain ng Security Council sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan sa peace-building at peace process, at sa paglaban sa paglaganap ng “weapons of mass destruction sa pamamagitan ng mga hakbangin tulad ng Proliferation Security Initiative. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📷: PH Embassy in Korea