Nagpahayag ng suporta ang Pilipinas para sa pagbuo ng isang ASEAN strategy para sa carbon neutrality, kung saan binahagi rin nito ang mga best practices ng bansa para sa pagkakaroon ng sustainable growth, at nagpahayag ng commitment na magkaroon ng kolaborasyon kasama ang mga ASEAN member states.
Sa naging pagdalo ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum sa 12th Informal ASEAN Ministerial Meeting on Science, Technology, and Innovation noong June 22 sa Brunei Darussalam, hinikayat nito ang mga bansang kasapi ng ASEAN na magkaroon ng nature-based at market based solutions na bawasan ang mga carbon emissions sa pamamagitan ng mga carbon pricing instruments.
Noong Abril 2021 ay inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang unang Nationally Determined Contribution na nagtatakda ng 75-percent greenhouse gas (GHG) emission reduction and avoidance pagdating ng 2030, bilang bahagi ng commitment ng Pilipinas sa Paris Agreement on Climate Change. | ulat ni Gab Humilde Villegas