Sinisimulan nang makipag-ugnayan ng Pilipinas sa foreign partners at posibleng co-investors sa Maharlika Investment Fund.
Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ngayon pa lamang ay kinakausap na ng Pilipinas ang mga posibleng makatuwang ng bansa para mapalago ang MIF kasunod na rin ng pagkakalagda ng dalawang lider ng Kapulungan sa enrolled bill.
Ani Salceda, hindi na siya magugulat kung sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay i-anunsyo nito na nalagdaan na ang MIF.
Punto ng House tax chief, mahalaga ang maagang komunikasyon sa strategic partners ng bansa upang agad mapagana ang MIF oras na malagdaan.
“I had discussions today with the Bureau of Treasury during our meeting with the World Bank and IMF Joint Mission. Co-investors and strategic foreign partners are being engaged right now, so that we can hit the ground running once MIF is launched,” saad ni Salceda.
Kailanganin din aniya natin ang technical assistance ng IMF, World Bank at International Finance Corporation sa pagtatayo ng investment fund dahil makatutulong aniya sila na mapaganda ang standing ng MIF oras na ito ay buksan.
Kabilang na dito ang pagkakaroon ng kredibilidad na makahikayat ng foreign investors.
“The expertise of the multilaterals will ensure that we start on strong footing. There are three ways they can help us. First, their credibility will help attract foreign investors. Second, their presence will encourage good corporate governance and accountability in the MIF. Third, their financial resources are staggering. World Bank alone has been able to support around 115 billion USD in commitments every year.” paliwanag ni Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes